"Mahirap Kang Kalimutan"
Nagsimula tayo sa awayan
Ngunit 'di lumao'y nagkasunduan
Hanggang sa naging magkaibigan
Na ngayo'y tila nagmamahalan
Ngunit bakit naguguluhan pa rin ang aking isipan
Kung tayo'y naghahangaan o nagmamahalan
Hindi ka nawawala sa isip ko
Tila ikaw lang ang tao sa mundong ito
Subalit sa likod ng aking mga ngiti
Ay kalungkutan at hapdi
Dahil sa isa kong kaibigan
'Di mo lang alam siya'y nasasaktan
Siguro nga'y kailangan kitang palayain
Hindi lang naman para sa atin
Kundi para na din sa kanila
Na naaapektuhan kahit wala namang sala
Puso ko'y lubhang nasaktan
Sa paglisan mo sa'king isipan
Pilitin ma'y hindi makayanan
Dahil alam kong tayo pa rin ang naghahangaan
Dito lang ba magtatapos
Ang pagkakaibigan at paghahangaang lubos
Ayoko man tanggapin ngunit kinakailangan
Paalam na, mahal kita kaibigan
Nagsimula tayo sa awayan
Ngunit 'di lumao'y nagkasunduan
Hanggang sa naging magkaibigan
Na ngayo'y tila nagmamahalan
Ngunit bakit naguguluhan pa rin ang aking isipan
Kung tayo'y naghahangaan o nagmamahalan
Hindi ka nawawala sa isip ko
Tila ikaw lang ang tao sa mundong ito
Subalit sa likod ng aking mga ngiti
Ay kalungkutan at hapdi
Dahil sa isa kong kaibigan
'Di mo lang alam siya'y nasasaktan
Siguro nga'y kailangan kitang palayain
Hindi lang naman para sa atin
Kundi para na din sa kanila
Na naaapektuhan kahit wala namang sala
Puso ko'y lubhang nasaktan
Sa paglisan mo sa'king isipan
Pilitin ma'y hindi makayanan
Dahil alam kong tayo pa rin ang naghahangaan
Dito lang ba magtatapos
Ang pagkakaibigan at paghahangaang lubos
Ayoko man tanggapin ngunit kinakailangan
Paalam na, mahal kita kaibigan
by: Leah Toledo



1 comment:
ito ung una kong tula n ngawa cmula nung mnahal q xa.. hehe.. :D
tgal n dn 2.
Post a Comment