Saturday, December 1, 2007

"Akala ko'y Wala na"

"Akala ko'y Wala na"


Ang akala ko ay wala na
'Yun pala'y mayroon pa
Meron pang kaunti
Ngunit malaki pa rin ang sukli


Nasaktan ako sa ginawa mo
Na siya namang aking kinagago
Di mo lang alam ito'y totoo
Totoo ang mga sinasabi ko


Siguro nama'y hindi ka manhid
Upang hindi mo mabatid
Ang pagdurusa ng puso ko
Puso kong nabihag mo


Minahal kiya sa taglay mong pambihira
Na ngayon ay tila nasira
Nasira man ay mahal pa rin kita
Dahil na rin sa pag-ibig na nadarama


Ilang tula na rin ang nagawa
Nagpapakamakata para sa wala
Wala dahil di mo naman ako minahal
Kasi alam ko naman na ito ay bawal


Sa tunay na pag-ibig daw ay walang humahadlang
Ngunit sa atin ay maraming kulang
Ako naman kasi ang problema
Nagpakagago at umasa




by: Leah Toledo

1 comment:

imeako27 said...

i2 ung pngatl0ng poem n ngawa q pra s knya.. ahihi.. i2 dn ung latest.. d p q nkkgwa ng ksun0d eh.. mdy0 hapee kc aq ngaun.. :D